Monday, August 11, 2008

ahh. ok.

ok2. Matagal na rin mula nung huli akong magpost dito.
marami na ang nagkwento ng kanikanilang UPCAT experience at hindi na ako dadagdag sa bilang nila. Ang ikkwento ko ay ang USTET experience ko.

Simulan natin ng Aug. 9, Saturday (a day before USTET) . Isa ako sa mga nakatanggap ng letters from hell (sana di ito mabasa ni maam Belza at baka mapagalitan ako). Kabilang sa mga liham na ito ang mga ss:

*long test sa Economics at Calculus

*project sa Economics at Mapeh (individual, by group at by class)

*notes sa Eco (pangatlong mention na ng Eco ah!), TLE at Research

*outputs sa Chem at Physics

*at ang palapit na NCAE.

At dahil sa mga nabanggit, wala na akong panahon para makapagreview para sa USTET.

Aug. 10 (USTET day), buti na lang at panghapon ako. Mga 9 na ako gumising, nag-ayos ng mga gamit at kung ano2 pa. Sa bilis naming kumilos, magttwelvw na kami umalis n bahay.

12:30, nasa daan pa rin ako, traffic. F***. Baka hindi ako makapagtest, yun ang nasa isip ko. Buti nalang at mga 12:45 ay nakarating ako sa UST.

Room 307, ang pinakamaswerteng room sa lahat. Pagpasok ko pa lang, para akong nasa oven toaster. Yun ata yung silbi ng aircon sa room na iyon, ang magpainit. So mga 1:10 ata iyon ng mapilitan kami lumipat ng room. Yeah! Ang saya ko naman di ba. So akyat naman kami. Pagdating sa isang malamig na kwarto, mayroon namang kakapusan ng upuan. Nagpaakyat ung proctor ng chairs. Maya2, may nagsabi, sa ground floor na lang daw kami. Goodluck naman diba?! habang ang iba ay seating pretty na nagsasagot, kami ay palipat lipat ng room. Balak ata kaming bigyan ng mini field trip sa campus ng UST. Buti na lang at iyong 3rd room ay ok na, kaso ung oras, hindi na ok. 1:30 na sa relo at sobrang delayed na kami. haha. eksaktong 1:40 kami nagstart magtest.

Buti nalang at tama lang ang tests, di ganon kahirap kumpara sa UPCAT. sana maipasa ko ito:D
isa pang magandang part ay nakapag-pizza hut kami. at para sa mga takam na takam sa cheesy pops, di naman siya ganun kasarap for me, hehe

ok. balik ECO proj. dahil napakaswerte ko ngayong araw na ito, nagrestart ang pc ko habang ginagawa ang editoryal (well, good point na rin kasi di ko maiisipang magpost kung hindi ito nangyari.). tapos, mali pa yung pagkapuncher ko sa proj ko. Bale, may butas na sya sa magkabilang gilid. O diba. DESIGN:D

note: ngayon ko lang rin napost dahil kasama sa kaswertehan ko yung pagkawala ng net namin. haha:D

hay, ewan ko na. di ko na alam mga pinagtttype ko.
isang bago ngunit walang kakwenta kwentang post para sa inyo.

2 comments:

Cheska said...

hi dan! napadaan lang

Unknown said...

wuy! la lang... hehehe