3 days na rin akong wala sa klase. dahil ito sa iba't ibang mga election, and i realized a lot:D
first day of the elections (club officers) was so exhausting; akyat, baba, punta doon, punta dito. pero it's very rewarding na at the end of the day, i see my officers, still striking their best smiles. yun ang masarap sa ssg, kahit sobrang pagod, sobra ring saya. nandun ang kulitan, ang asaran, mga talumpati ni john, sound effects ni JP, harutan nila charm, nol, cis at mo at marami pang iba.:D and if i'll be given a chance to live again, di ako magdadalawang isip tumakbo ulit for a position..:D
2nd day, first year chairperson and representative election.. it went well, wala namang nangyaring di inaasahan at naging mapayapa ang lahat. saludo ako sa freshmen, sila ang pinaka-disciplined na batch na nakita ko. mistulang sila pa ang magiging example sa mga ate at kuya nila sa mandsci. ate at kuya! maging disiplinado rin tayo.
3rd day, division election(election involving SSG officers from diff. schools here in Mandaluyong.) it's so ironic kasi kung kailan maliit na number lang ng tao ang kaharap ko, mas kinabahan pa ako. as in. nanginginig ung tuhod ko bago magsalita. ung speech ko na pinaghandaan ko, mga 1/4 lang ang nasabi ko. at masakit pa dun, i lost the presidential elections. at mas nagpasakit pa dun, i lost by a vote. super nakapanghihinayang di ba? i realized na i'm so used to the sweetness of success, which made failures taste so bitter. as in nanghinayang talaga ako, pero di rin naman naglaon, naging ok na rin ako:D
ang good side ng pangyayari, 2 ung naelect sa Mandsci, (hindi lahat ng school, may nakakapasok na officer) ako for Vice-President at si Daryl for Treasurer.:D
bukas, balik realidad na ako. goodbye na sa paglabas sa klase at isang malaking HELLO! sa lahat ng mga namiss ko (tests sa eco at calculus, mga seatwork, activities at kung ano pa man.:D)
No comments:
Post a Comment